Image Via Wikimedia Commons |
Sa alaala ng dating Dean Felicitas Balino ng Commerce Department
Leyte Colleges, Tacloban, Philippines (Teachers Day). She died in 2007.
Mananatiling Buhay sa Puso’t Ala-ala
Kung maibabalik lamang ang kahapon
'Di ako mag-aaksaya ng panahon
Na yakapin at hadkan ang nakaraan
At muling buhayin sa puso’t isipan
Ang matatamis na mga ngiti ng ina
Dulot nito’y saya sa bawat umaga…
Sa t’wing nakikita ko ang kanyang mga mata
Ang puso ko'y humahalakhak sa tuwa
Sila’y nagniningning parang mga bituin
Na kumikislap sa gitna ng dilim
'Di sapat ang mabulaklak na salita
Na isigaw ang kanyang pagkadakila…
Ang iniwan n’yang mga alaala
Sa buong mundo ay dapat iwagayway
Inubos ang kanyang lakas at panahon
Sa paglinang sa kaisipan ng mga mag-aaral
Para sa kaniya mahalaga ang edukasyon
Ito’y kayamanan na ‘di maaagaw ninuman…
Habang hinahabi ko ang mga linya
'Di ko mapigilan ang pagdaloy ng luha
Nangibabaw sa puso ko’y kalungkutan
Dahil kailanma’y ‘di ko na siya makikita
Nguni’t sa kaibuturan ng aking puso
Mananatiling buhay ang alaala n'ya…
Dahil ang binhi na kanyang ipinunla
Sa mga mag-aaral na kanyang ginabayan
Ay nabuhay, yumabong at namunga!
No comments:
Post a Comment