Philippines |
Sa sobrang hirap na aking pinapasan ngayon
Halos panawan na ako ng aking lakas
Ang katawan ko’y hinang-hina na
Sino kaya sa aking mga anak
Ang may puso't handang umalalay
Na ako’y kaniyang yakapi’t tulungan?
Ang sakit at kirot na aking nararamdaman
Ay sanhi ng tuloy-tuloy na paglapastangan
At walang patumanggang iringan ng aking mga anak
Pangarap ko’y matahimik na tahanan
Ngunit ang aking mga inakay ay mga pasaway
’Di magkasundo’t laging nag-aaway
Ang ugat ay ang aking kapangyariha’t salapi
At iba kong mga ari-arian na aking ipapamana sa kanila
Sa oras na ako’y panawan na ng buhay
Subalit ‘di sila makapaghintay
Ang gusto nila’y makuha na agad
Ang kanilang pamana at pamamahala
Dahan-dahan nila akong pinapatay!
No comments:
Post a Comment