Image Via Wikimedia Commons |
Ang matamlay mong diwa’y sa
Mainit na kape’y pinasasaya
Ganado ka’t puno ng pag-asa…
Lalo na kung ang sasalubong sa iyo
Sa pinapasukan mo ay matatamis
Na mga ngiti mula sa iyong kapwa
Ang iyong umaga’y lalung gaganda…
Nguni’t ‘di natin maikakaila
Mga katoto na may mga taong
Walang pakialam sa kaniyang paligid
Batiin mo’y hindi sila kikibo
Pagtiningnan mo sila’y yuyuko
Parang sinasabing,“Hindi kita kasundo!”
Tuloy sumagi sa isip ko
Na okay lang aking kabaro
Kung may galit ka't tampo sa akin
Ang s’weldo ko’y 'di mababawasan
H’wag lang sasama ang loob mo
Pagkat ito’y tula lamang
Ng mapagmahal kong puso…
Mga mahal kong kababayan
Lagi nating isa-puso na tayo’y Pilipino
At ang pakikisama sa ating kapwa
Ay ituring natin na mas mahal pa ito
Sa mamahaling diyamante’t ginto!
No comments:
Post a Comment