Anak-Pawis |
Isang katotohanan na tayong mga maralita
Ay nabubuhay sa ilalim ng kawalang pag-asa
Nguni't di nangangahulugan na di na tayo makakabangon...
Ito’y tunay na larawan sa naghihirap na mamamayan
Bagama’t tayo’y pinagkaitan ng magandang kapalaran
Nguni’t ‘di ito nangangahulugan na tayo’y wala ng puwang
Mabuhay sa mundo at makapamili sa buhay na ating lalakarin
Totoo ang pagiging anak-pawis ay sadyang napakahirap
At lagi nating pinangangalandakan
na tayo’y alipin ng mga mayayaman
'Di kaya panahon na na baguhin natin ang ating mga pananaw?
Sa lahat ba ng panahon tayo’y aasa na lang ba sa mga maharlika?
Sa mga politikong mandarambong at mandaraya?
Lagi na lang ba natin iaasa ang buhay at kinabukasan
Sa mga taong nasa nanunungkulan?
‘Wag kalimutan na tayong Mga Anak-Pawis
Ay Simbolo Ng Lakas at Katapatan!
Naalaala ko ang hirap ng nakaraan, I cried looking at my feet and hands wounded; too painful I couldn’t bear. Sa edad na 14, sa isang construction site sa bayan namin habang pinapala ko ang sang katirbang na hinalong semento graba at buhangin na nakalubog ang mga paa ko sa semento para lamang may pantustos sa pag-aaral sa high school sa susunod napasukan.
Sometimes I asked God, why it happened to me? Pero I realized na di dapat panghinaan ng loob, ginusto ko po ito at dahil din sa kawalan. I was firmed with my decision na ako na ang magpapatakbo sa buhay ko. Pero deep in my heart buhay na buhay ang pagmamahal at respito ko po sa aking mga magulang, naunawaan ko ang kalagayan namin.
At sa edad na 14 ako na ang nagpatakbo sa buhay ko
Kung sinu-sinong tao ang nakasama ko
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa
na mabuhay at tumindig sa sarili kong paa
Hindi ako umasa sa sinumang politiko at gobyerno…
No comments:
Post a Comment