Image Via Wikimedia Commons |
Sa kabila na tayo’y malayo sa isa’t-isa
Ang Internet at WWW ang nag-uugnay sa atin lahat
Iba’t–ibang damdami’y ating pinagbubuklod-buklod
At pinahahalagahan ang kultura’t kaugalian ng Pinoy
Katulad ng pagmamahal sa kapwa at respito sa bawat isa...
Sa pamamagitan ng mga hinabing awit at kuwento
Ay isang mundo na puno ng pag-asa’y nabuo
Isang makulay na mundo ng pagkakaibigan
At nagagawa rin nating magpalitan ng mga
Makabuluhang kuro-kuro’t opinyon, na puwede
Nating pagkunan ng mahahalagang impormasyon
Sa ikagaganda lalu ng ating matamis na samahan...
‘Di man tayo nagpapangita ngunit nababanaag natin
Ang iba’t-ibang mukha, dala ng mga nababasang
Lathalain, na pinagpagurang habiin sa araw at gabi
Ito rin ay pook ng ating mga matatamis na alaala
At mga gunita ng kahapon na ating binibigyan
Ng tunay, totoo at makulay na buhay...
Sa mga hinabi nating mga tula' t artikulo nabuo natin
Ang magandang mundo ng mga naggagandahang
Halaman, mga namumungang kahoy at namumukadkad
Na mga bulaklak, ilog at sapa na ang dumadaloy ay kristal
Na tubig na nagmula pa sa kaibuturan ng ating mga puso...
At atin din nailalarawan ang ating mga halakhak at mga himutok
Iba’t-ibang poot at galit, sarisaring daing at mga hinaing
Na ating nararamdaman, sa tuwing tayo’y naririto sa loob
Ng Internet at WWW, sumaatin nawa ang katahimikan at pagpapala.
No comments:
Post a Comment