Image Via Wikimedia Commons |
Ay isang paraan upang labanan ko ang lungkot
Na aking nararamdaman para sa aking mga mahal
Sa buhay at mga kaibigan na aking iniwan sa ‘Pinas
Habang ako'y nakikipagsapalaran dito sa Arabia
Magmula pa noong taong 1994;
Walang ibang laman sa puso ko't isipan kungdi
Ang baguhin ko ang buhay ko sa nakaraan na
Punum-puno ng hinagpis dahil sa kawalan
Nagsikap ako para sa kinabukasan ng pamilya ko;
Walis at kalaykay sa maghapong pagod na katauhan
Daladala ko mula 7 ng umaga hanggang 4 ng hapon
Kasama butil-butil na pawis naglambitin sa aking katawan
Isa lamang akong diyanitor noon, trabahong aking
Pinag-igihan, kakarampot na sahod na pinagpaguran
Para ibuhay sa pamilya kong iniwan na naghihintay
Sa Pilipinas kong Inang-Bayan;
Pagkaraan ng maraming araw, buwan at taon
Hinatak akong pataas ng kompanyang aking
Pinaglilingkuran, pinagkatiwalaan sa puwestong
Aking kinalugdan bilang isang clerk sa posisyong iniwan
Ng isa kong kasamang umuwi sa ating bayan;
Lumaki ng konti ang kita kong buwanan
Nabili ko ang gusto ng aking katawan at dumating muli
Ang s’werting 'di ko inasahan, salamat sa Poon Maylalang
Ako'y Kaniyang hinango sa aking inuupuan, at dinala
Sa isang rolling chair at nanatili ng maraming taon;
Tunog ng calculator at computer ay mensahe ng magandang
Kinabukasa't malayo sa sinag ng araw trabaho sa maghapon
Lahat ng ito'y dahil sa pagsisikap kong maahon sa kahirapan;
Subali’t ni minsa’y 'di ako nagbago sa aking katauhan
Kung ano ang ugali ko noon ay ugali ko pa rin ngayon
Mapagmahal sa kapwa at puno ng kabaitan na
Ipinagmamalaki ng aking pamilya’t buong angkan;
Paalaala lang kabayan, anumang ugaling pinoy
Na nakikita mo ngayon, isarili mo na lang
At huwag husgahan dahil maraming dahilan
Kung bakit sila'y nagkaganyan, puwede sabihin
Kasama ito sa pagbabago ng kapaligiran;
Bato-bato sa langit kung tinamaan ka 'wag magalit.
Ito'y paglalahad ng damdamin kong walang galit
Bahagi ito ng aking hangarin ang magpaliwanag
At pasayahin ang puso mong nalulumbay
Hangad ko'y paligayahin;
Isa lamang iyon para malabanan mo ang iyong lungkot
Sa iyong mga mahal, kung ikaw ay mahilig sa sport
Marami kang matatagpuan na mga organisasyon;
Sa mga lalake ‘wag magdeny dahil ginagawa ko rin ito
Kapag ako'y nalulungkot habang aking inaalala
Ang aking mahal na maybahay di ko maiwasan
Ang paminsang pag-init ng aking katawan habang
Aking binubuhay sa isip ang oras na kami'y magkayap
Kaya naman malaki ang tulong ni Ginang Palmer
Sa mga ganitong pagkakataon;
Kung kayo ay mahilig magbasa ng kung anu-anong
Babasahin maraming mga magazines, komiks
At newspapers kayong mabibili, kung kayo
Ay mahilig magluto, well, iyo ang buong kusina
Upang kayo'y mag experimento ng iba't-ibang
Lutuin at makakain na p'wedeng pagkakitaan;
Kung ang hilig N'YO AY INTERNET go a head
Marami kayong makaka chat, nguni’t ang nakakahigit
Sa lahat ay sa t'wing pagdating ng araw ng sahod
Lahat ng sakit sa katawan, lungkot sa pamilya
At pangungulila na inyong nararamdama’y maglalaho
Dahil sa tumataginting na datung sa palad mo'y lumalandi!
No comments:
Post a Comment