Image Via Wikimedia Commons |
Ang pagpatak ng aking luha
Bumilis ang pagpintig ng puso ko
At lumingkis ang aking mga braso
Sa payat at nanghihinang katawan ni nanay
Nang marinig ko ang kanyang malambing na boses
Na punum-puno ng pagmamahal…
Sa kanyang edad na otsenta
‘Di pa rin makalimutan ni nanay
Ang araw nang ako’y kanyang isilang
Isang malusog na sanggol na lalake
Kasing-guwapo daw ako ng tatay ko…
Sabi ni ina, “Lalo akong minahal ng tatay mo.”
Habang ang kanyang mga kamay
Ay dahan-dahang pinipisilpisil
Ang matitigas kong braso
Na nakapulupot sa kaniyang baywang
Sabay ang paghalik sa mukha ko…
Ngayon ay muli kong isisigaw
Ang pasasalamat ko kay ina
At sa unang pagkakataon ay akin din
Ipangangalandakan sa buong mundo
Na ang lalake pala’y nagmula sa babae
Taliwas sa matandang pinaniwalaan
Na ang babae’y nagmula sa tadyang ng lalake!
No comments:
Post a Comment