Friday, October 5, 2012

Orasan at Buhay

File:Wall Clock DMA Reves Collection.jpg
Image Via Wikimedia Commons

Sa tuwing iikot ang orasan, maaaring ikaw,ako,tayo
Ay nababahala, takot sa bawa't segundong
Paglipas, lakas nati’y unti-unting napaparam
Katawan nati’y unti-unting nanghihina dahil 'di
Maglalao’y papalapit tayo sa ating huling hantungan…

Sa t'wing lulubog ang araw, ilaw nito’y napaparam
Na sa ati’y tanglaw, kadilima’y bumabalot sa
Sangkatauha’t doo’y maririnig ang pighating sinisigaw
Sing-lakas ng tunog ng kidlat, yumayanig sa kaparangan
At kabundukan, panaghoy ng kasiphayuan dahil
Sa takot na wala ng bukas tayong masilayan…

Sa gitna ng madilim na sulok mga mata
Ay makikitang lubog sa pagluha, dumadaloy
Ang dalisay na tubig, kasing-lamig ng tubig
Sa batis, walang puknat ang pagtangis
Hanggang ang mga ito’y kusang huminto…

Kung p'wede nga lang ibalik ang pag-ikot ng orasan
At ibalik ang oras ng ating kabataan kung saan ay
Tahimik tayong nanimlay sa loob ng tahimik na
Mundong bumalot, nag-aruga’t nagbigay buhay sa atin
Ang hininga nila’y nagbigay lakas sa atin at sa bawa’t
Saya na kanilang tinamasa’y pintig yaring buhay…

Sa liwanag tayo’y pinagpala, sa malawak na kaparangan
Mga nakatayong magagandang halaman, mga tanawin
Sa kabukiran, mga alon sa karagatan, mga ulap sa
Kalangitan, kasabay ang mga nagliliparang ibon
Sa himpapawid, ang pagaspas ng kanilang
Mga pakpak ay awit ng kapanatagan…

Ang busilak ng haring araw ay hudyat ng magandang buhay
Ang simoy ng hanging amihan ay lakas natin at pagsapit
Ng gabing tahimik mga bituin sa langit ay pananglaw
Sa daraanan at gigiya sa ating patutunguhan…

Ang mga lagitik ng kawayan ay hudyat ng katuwaan
Mga nagsisipagsayaw sa kaligayahan sa tuwing
Hahampas ang malambing na hangin nandoon
Yumuyuko sila, minsa’y dumadapa nguni’t
Yaring lakas ay ‘di naparam, bumango’t tumindig
Sa galak upang harapin ang bagyo ng buhay…

Napakasayang pakinggan mga ibong umaawit
Sa kabundukan, nagbibigay ligaya yaring pusong
Matamlay, nagpipista sa kagalakan sa bawa’t
Segundong pag-ikot ng orasan nguni’t hanggang kailan
Itong ligayang ninanais yaring pusong makamundo
Paano kung tumigil na ang pag-ikot ng orasan?

Halina’t humayo tayo, samasama nating aliwin
Ang ating kabataan baka bukas huminto ang pag-ikot
Ng orasan at maiwan tayo sa daigdig ng kalungkutan…

Tayo’y magsaya, tumawa, umawit at sumayaw
Magpugay sa Poong Maykapal maging handa tayo
Sa bawat bukas na darating buksan ang puso para
Sa Kanya maging masigla tayo sa bawat segundong
Lilipas, ‘wag natin sayangin ang bawa’t oras ng buhay
Dahil lahat ng saya ay may katapusan…

At kung lumubog man ang araw, payapa tayong
Haharap sa Maykapal at doon lamang mababakas
Na lahat ng makamundong kaligayahan ay may katapusan
Katulad ng orasan ang pag-ikot nito’y may hangganan…

Sabi nila ay maghigpit ng sinturon
Pero makakatiis ba kung nagugutom?
Bagama’t tiyak doon paroroon
Kung ang bansa ay ‘di makakaahon…

Panahon na upang magkaisa
Iringan sa pamahalaan ay kalimutan na
Dahil paghihirap ay lalung lumalala
Bansa ay palubog sa halip na maisalba…

Mga kababayan, tayo ay manalangin
Sabay sana nating dasalin at hingin
Sa Diyos Amang may lalang sa atin
Gabayan ang ‘Pinas, tanging bayan natin…

No comments:

Post a Comment

For any reuse or distribution, you must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page: http://originalfilipinowritings.blogspot.com/

Popular Posts

Labels

paul pruel Pilipinas buhay abroad Bansang Pilipinas Bathala Inang-Bayan Katahimikan Katapatan Pagkakasundo Pagmamahal ng ina Pangarap Pinoy Abroad anak-pawis awit ng puso kuwento mga hinaing poetry tula Al-Batha Amoy tabako Ang babae nagmula sa tadyang ng babae Ang lalake nagmula sa babae Araw ng mga Nanay Awit ng maralita Awit ni Ina Bahaghari Balagtasan Balangaw Balingaw Buhay Buhay galing sa kanya Bulalayaw Child labor Dasal Diamonds Dilang matatamis Duyan ng Pag-ibig Eskuwela Febrero Filipino Ginto Guro Haplos at Pisil Haplos ng kamay Hiyas Ikaw lang Ina Ina ng mga magaaral Inang Bayan Inay Indradhanush Internet Iringan Juan dela Cruz June 12 Kahirapan Kalayaan Kamakataan Kamakatahan Kapalaran Karanasan Kaway Kinabukasan Kundiman Laura aking sinta Leyte Colleges Lupang Hinirang Maaliwalas na bukas Magbigayan Magkaisa Makatang Pinoy Makulay na kapaligiran Malat na boses Mama Mamahaling Hiyas Manila Manlangin Maputlang labi Maralita Mom Mommy Muling magmahal Mundo Mundo ng kuro-kuro Nalipasan ng panahon Ngiti Ngiti ng ina Opinyon Orasan Orasan at Buhay Pag-ikot ng orasan Pagaaruga ng ina Pagkakaibigan Pagkakaisa Paglinang ng kaisipan Pagmamahal Pagsikat ng araw Pagsusulat ng tula Pagsusumamo Pahingahan Pakikibaka Pakikipagkapwa Pakikisama Pakiusap Pamilihan Panghoy ni Inang Bayan Pasasalamat kay Inay Perlas ng Silangan Philippine Philippine Airline Philippines Pilipino Pinagbuklod na damdamin Pinay Pinoy Pinoy blogger Pinoy na pinoy Pisil ng kamay Red Gumamela Roy G Biv Sambayanan Sambayanang Pilipino Sugal ng Buhay Susi ng pagkakaisa Tacloban CIty Tagahubog ng kinabukasan Tagumpay Tagumpay na inaasam Tao Teachers Day Trahedya sa Ultra Tribute kay Dean Felicitas Balino Tuhod nangangatog Tulang pinoy Tunay na kaibigan alaala angular lobes asong gutom awit awit ng kaluluwa balimbing blogger.com buhok tuyong-tuyo bulaklak bumalimbing buwayang gutom carambola change one's party affiliation cigarette diwa gabayan ang Pinas halalan 2022 hardin hatol hirap at pag-asa hiyaw imahin at kataga kagat ng labi kapirasong buto karaingan kataga kirot ng puso konsensha korona kumakapit labi ligaya ng kahapon limos linta lunas sa nagdarahop lungkot maglimos maglimos di dapat magmamakaawa magsikap makikiusap mamamayang Pilipino mandarambong manlilikha mapanglinlang maralitang pinoy masikap mata mukha ng pulubi nakalipas nangungulubot na balat nililiyag novelty na awitin pagtulong pakiusap na magkasundo pamana at pamamahala pangakong napako pangungulila pintig ng puso pitas ng mata pitong kulay ng bahaghari pluma political turncoat poot at galit pulubi pulubing kaawaawa pusong nalulumbay sakripisyo salita shift loyalty sigarilyo simbolo ng lakas simbolo ng pag-asa starfruit tahimik kong mundo taludtod traitor utang na buhay yosi